Nakaplano ang Binga Beach na maging isang boutique beach resort na may nakakapalagay, lihim at natural na kapaligiran.
Nakatago dahil ito ay malayo ito at hindi pa nakikilala. Dati ay ilang oras ang kailangan lakbayin para mapuntahan ang Lumambong beach at ang bayan ng Binga ngunit ngayon ay napadali nang mag-umpisa ang operasyon ng San Vicente Airport nitong katapusan ng 2018 at nagkaroon ng mga ipinagawang mga kalye na magtatapos sa umpisa ng 2019.
Ngayon ay nasa 45 minuto na lamang ang tagal ng biyahe mula sa airport papunta sa aming beach. Napakaganda ng aming lugar dahil nasa gitna ito ng El Nido sa Hilaga at ng San Vicente sa Timog.
Marami ka pang malalaman tungkol sa Binga Beach sa aming blog article na Ano ang Binga Beach? Nasaan ito?
Palagay ang iyong mararamdaman dahil kakaunti lamang ang mga tirahan sa tabing-dagat. At dahil and resort lang namin ang naroon sa lugar — parang sinasarili mo lang ang buong dagat! Ang Binga at isang maliit na bayan lamang. Walang turista doon, ang tanging mga nakatira lamang doon ay magsasaka at mangingisda, kami na nasa resort at kayo na aming bisita
Natural, dahil ang dalampasigan na ito ay halos walang itinayo na mga istruktura saanman. Walang tao, walang motor, walang mga bangka. Sobrang yabong ng paligid, malapit ito sa Mt. Capoas, ang pinakamataas na bundok sa Hilagang Palawan, ang aming beach are ay may kalapit na mga bakawa at mga burol. Ang tubig ay sobrang kalmado dahil ang lugar na ito ay nasa sulok ng Imuaran Bay. Nakaharap din ito sa kanluran kaya maganda ang langit sa mga dapit-hapon.
Makikita mo ang ilang mga aerial views ng resort gamit ang drone sa aming artikulo na: Bird’s Eye View ng Binga Beach.
Ang aming grupo ay dedikado sa pagkakaroon ng mababang enviromental impact ng aming lugar. Ang aming beach ay malayo sa anumang koneksyon ng anuman serbisyo kaya kami ay 100% na gumagamit ng solar power at lahat ng aming pasilidad ay gumagamit ng napakalinis at modernong mga paraan at kagamitan.
PLANO at KALAGAYAN
Kami ay nagtatyo ng anim na ‘glamping’ platform tent bilang mga tirahan. Ang ilan rito ay may na liguan sa loob at ang ibang liguan at palikuran ay nasa aming pangunahing kubo.
Kami ay nagtatayo ng isang kumpletong kusina at bar na may masarap at sari-saring mga pagkain.
Inaasahan namin na magbukas sa publiko sa kalagitnaan ng 2019. Kami ay nasasabik sa inyong pagbisita!
ANG AMING GRUPO
Ang Binga Beach Brothers Inc ay isang samu’t saring grupo na may kalakhan ay pag-aari ng mga Pilipino. Ang aming mga kasamahan ay mula sa Pilipinas, USA, UK at Vietnam.
Kami ay nakatuon na maging isang nakikiisa at aktubong kasama ng mga komunidad rito para mapanatili ang kalinisan, kaunlaran at kaalaman ng lugar na ito.