Ang Pinakamahal at Pinakamagandang Pribadong Isla sa Palawan

Ang mga kasual na turista na baguhan pa sa maaaring puntahan sa Palawan ay pipiliin ang mga resort tulad ng El Nido Island Resorts at mga lugar na nagbukas sa Lio Beach.

Pero ang mga lugar na ito ay matagal nang kilala, at dahil sa dami ng tao ang pakiramdam ng adventure ay nawala na. Bakit hindi ka na lang magpunta at magdiskubre ng ilang mga nakatagong lugar.

Tinatampok namin ngayon ang dalawa sa nakakamangha at hindi pa napapansing mga bakasyunan para sa iyo:

Floral Island

Gusto mo ba maging maluho at mag-solo lamang sa iyong bakasyon? Subukan mong na mag-punta sa isang pribado isla! Ang mga tirahan sa islang ito ay napaka-elegante. Tingnan mo kung gaano kaganda ang dagat rito.

Ang anim na tirahan rito ay may nakakamanghang tanawin ng Taytay Bay at magkakalayo ang mga ito para maging tunay na pribado at matiwasay ang iyong pagtuloy. May pagpipilian a sa mga ito at ito ay pwede para sa magkarelasyon o magkapamilya. Pwede mo tingnan ang kanilang presyo sa AirBnB listing.

Makikita mo ang website ng Floral Island Resort sa website na ito: http://floralisland-resort.ph/

Brother Island

Gusto mo ba sa isang pribadong isla? Gusto mo ng totoong luho? Ang Brother Island ay para sa iyo, ito ay may isa sa pinakamagandang tanawin sa Palawan at malapit ito sa El Nido. Tingnan mo na lang ang kanilang Instagram at sigurado na mananaginip ka na tungkol rito pagkatapos.

Napakaganda di ba pero paano kaya ang kanilang serbisyo? Mula 1991 ay nago-operate na, at kung makikita mo sa AirBnB, sila ay mga Superhosts na may 5.0 na rating. Lahat ng mga pagkain rito ay niluto ng isang chef. Kasama na rin sa kanilang lugar ang biyahe mula El Nido airport, snorkeling, kayaking at iba pa. Makikita mo ang mga review tungkol sa lugar na ito sa internet at sa Facebook page.

Makikita mo ang website ng Brother Island sa website na ito: https://brotherisland.ph/

Lumayo na sa nakasanayan at magkaroon ng bagong alaala sa iyong pagbisita sa Palawan! Gawin itong di malilimutan dahil sa isang maginhawa at napakagandang karanasan!

Back to top