Para sa amin sa Binga Beach, ang pagbubukas ng San Vicente Airport ay isang napakagandang balita! Ngayon ang aming mga bisita at pwede nang lumipad papunta dito at makapunta sa aming resort sa loob lamang ng 45 minuto gamit ang bago mga kalsada na nasa tabi ng napakagandang baybayin.
Ang alternatibong mga airport na maaaring puntahan para makapunta sa Binga Beach ay ang El Nido (2 oras hilaga ng Binga) at sa Puerto Princesa (4-5 oras timog ng Binga).
Ang San Vicente airport (airport codes IATA: SWL, ICAO: RPSV) ay napakabago kaya ang mga lipad papunta rito ay hindi pa nakikita sa mga malalaking online booking engines, at maging dito sa Pilipinas. Kung ito ay magbago, sabihan niyo kami!
Heto at inilista na namin ang ilang mga punto para mahanp niyo ang mga bago ngunit mailap na mga lipad na ito. Kung ikaw ay pupunta ng San Vicente, Port Barton, Binga, at mga kalapit na lugar, ang paglipad papunta sa San Vicente airport ang dapat na ruta mo.
Maganda na isama ang San Vicente bilang isa sa mga lipad na pag-uumpisahan mo o bilang iyong hintuan sa iyong biyahe. Kung ikaw ay pupunta ng El Nido o sa mga bayan sa timog ng Puerto Princesa, magandang ideya na gamitin ang mga paliparan doon. Ang paglipad mula sa isang airport at lalabas sa isa pa ay makakatipid ng oras dahil iniiwasan niyo ang mahabang pagmamaneho pabalik sa iyong naumpisahang biyahe.
Mga airline na lumilipad mula Clark – San Vicente:
Philippine Airlines, pinapatakbo ng PAL Express: https://www.philippineairlines.com/en
Tandaan na mayroon lang na isang lipad bawat araw papunta rito. Inirerekomenda rin namin na lumipad mula sa Clark dahil hindi ito kasinggulo sa Maynila. Maraming mga biyahero ang hindi kinokonsidera ang Clark dahil kakaunti pa lamang ang mga international flights rito (sa totoo lang ay may 158 kada linggo, maraming pagpipilian), pero ito ay isang airport na may napakagandang mga presyo kaya magandang tingnan rin ito. Isang oras na maneho lamang ang layo nito sa Maynila kaya sulit din naman kung kailangan mong magpunta sa Clark.
Masaya kami sa serbisyo sa flight na ito mula sa PAK Express. Two thumbs up!
Clark Airport Website: http://crk.clarkairport.com/
Simula Hulyo 2019, ito ang mga lipad o flight mula Maynila papuntang San Vicente:
sa pamamagitan ng SkyJet Airlines: https://www.flyskyjetair.com/
Hindi pa namin nasusubukan ang ruta na ito kaya hindi namin mabibigyang komento ang kalidad ng serbisyo dito. Nasasabik kami na subukan ito dahil ang makapunta ng San Vicente mula sa Maynila ay napakadali at maginhawa.
Alternatibo — lumipad mula Busuanga o Puerto Princesa paputang San Vicente:
sa pamamagitan ng Air Juan: http://www.airjuan.com/
Ang kasunod na magandang opsyon, lumipad papuntang El Nido mula sa Maynila:
Ang AirSWIFT ang magandang airline para Manila – El Nido: https://air-swift.com/
Ito ay isang magandang flight. Kung pupunta ka din sa El Nido, maganda na ito ang ruta mo. Maliit lamang ang airport sa El Nido, pero ang mga flight rito at mas mahal sa mga flight na papunta ng San Vicente o Puerto Princesa. Mula sa El Nido, ang Binga Beach ay mga 1-2 oras na pagmamaneho patimog.
En fin
Mayroon ka bang ibang mga ruta na alam o kailangan mo ba ng tulong sa ilang mga bagay? Mag-iwan ka ng mensahe sa amin o kaya ay tumawag, kami ay masaya na matulungan ka na makapunta rito agad!