Puting buhangin, asul na tubig dagat, berdeng mga lagoon at kagubatan — ito ang pumapasok sa aking isipan kapag naririnig ko ang salitang “Palawan”. Ayaw ko man ipakita ang aking pagkiling sa aking islang probinsiya pero ano ba ang hindi mo mamahalin rito? Ito ay tahanan ng bio-diverse na mga lugar at madalas tawagin bilang ang “Last Frontier”, maraming mga turista ang pumupunto sa islang paraiso na ito sa buong taon.
Ang Palawan ay isang makipot na isla na may 450 kilometro ang haba. Kahit saan ka magpunta, hindi ka nalalayo sa tabing dagat. Pero ang Palawan ay higit pa sa mga dalampasigan nito. Mula sa mga bahura at mga gulod, maraming maiaalok ang Palawan.
Nagtataasang mga limestone formations, dalisay na mga bahura, kahanga-hangang mga bundok, mga ilog sa ilalim ng lupa, mistikal na mga lagoon, at mga mapang-akit na talon, napakahaba ng listahan ng mga pakikipagsapalaran na naghihintay sa iyo kapag bumisita ka sa Palawan. Kung ikaw ay may plano na bumisita at makita ang mga lugar rito, sana makapag-umpisa ka sa artikulong ito.
Paano Pumunta sa Palawan
Kung ikaw ay magmumula sa ibang bansa, ang pinakamagandang paraan ay lumipad patungong Ninoy Aquino International Airport sa Maynila at kumuha ng isang domestic na biyahe papuntang Palawan. Itinuturing nang isang international airport ang Puerto Prinsesa airport pero kakaunti pa lamang ang mga lumilipad rito mula sa ibang bansa, karamihan ay mula sa Incheon, Busan at sa Taipei-Taoyuan.
Depende kung saan mo gusto magsimula, pwede ka ring lumipad mula Ninoy Aquino International Airport sa Maynila papuntang El Nido Airport (Lio Airport). Abot-kaya naman ang pamasahe ngunit minsan tumataas ito sa ilang panahon at pagkakataon (tulad ng Pasko, Mahal na Araw, at kapag tag-init). Mabuting mag-abang ka rin sa mga promo fares ng mga website ng mga kompanyang airline sa Pilipinas (Cebu Pacific, Philippine Airlines, AirAsia) ilang buwan bago ang iyong pag-alis para makakuha ng magandang presyo.
Kami ay nagagalak sa tungkol sa San Vicente Airport, kung saan nagbukas at nagsimula na sa operasyon nito noong katapusan ng 2018. Dahil rito, madali ka nang makakapunta sa aming resort sa Binga Beach kung saan ito ay 45 minuto lamang pahilaga mula sa nasabing paliparan gamit ang isang bagong kalsada na papunta sa dalampasigan. Para karagdagang impormasyon, tingnan ang aming artikulo na “Paano Lumipad papunta ng San Vicente Airport” dahil ang mga flight papunta rito ay hindi pa nakikita sa mga karaniwang mga booking engine website.
Mga Dapat Dalhin
Para sa mga mahilig sa dagat, magdala ng mga magaan at preskong mga damit. Magdala ng long sleeves para sa malalamig na gabi at isang nakasanayan na sarong ay makakatulong din. Magdala din ng sunscreen, after-sun spray o lotion at panlaban o pantaboy ng insekto (insect repellent).
Makakatulong ang pagdadala ng pares ng hiking shoes kung mapagdesisyunan mo na akyatin ang mga nakakahangang mga bundok sa Palawan. Magdala ng mga inuman o bote ng tubig na maaaring gamitin muli para hindi ka na kailangang bumili pa ng mga naka-plastik na bote ng tubig. Nakakabawas na ito sa iyong gastos at ang kalat na magmumula sa iyo. Ito ay isang adbokasiya na aming ipinapalaganap sa buong isla.
Hindi madaling makahanap ng mga ATM kapag ikaw ay nakalayo na ng Puerto Princesa. Kung sa tingin mo bago ka pumunta sa malayong lugar ay makakahanap ka ng ATM, tandaan mo na ang pinakamalapit na ATM ay maaaring mga tatlong oras na biyahe o kakailanganin mo pang sumakay ng bangka. Hindi rin masyadong tinatanggap ang mga credit card kaya mas mabuti na magdala na lamang ng sapat na pera.
Para sa mga digital nomads, magdala ng universal adapter para sa iyong mga charger, at ang isang powerbank ay pwedeng makatulong. Ang ilan sa mga bayan sa labas ng Puerto Princesa ay walang koneksyon sa kuryente o elektrisidad sa buong araw kaya kailangan na siguraduhin mo na ang iyong mga gadget ay may mga karga at may dala-dala kang portable na charger.
Para sa mga kababaihan, dapat niyong malaman na mahirap makahanap ng mga tampon sa Pilipinas. Inirerekomenda ko na sumubok kayo ng mga menstrual cups kung sakali. Makakabawas ito ng gastos niyo sa isang buwan at makakabawas pa sa kalat.
Saan Pupunta at Ano Ang Pwedeng Gawin
“It’s the not the Destination, It’s the journey.” ― Ralph Waldo Emerson, Self-Reliance.
Alam namin na ang mga di malilimutang mga karanasan ay nangyayari sa mga hindi inaasahang panahon — sa pagitan ng mga pagkakataon at habang nasa daan. Pero sa isang isla tulad ng Palawan… Dapat mong maisip na ang mga pagkakataon na ito ay pwede magtagal at magdulot ng dagdag na oras at abala. Ang mga nakakatuwang mga pangyayari ay maaaring maging abala kapag hindi nakapagplano nang mabuti.
Para sa ilang mga masuwerteng turista na may open-ended na bakasyon at walang iniintindi ito ay hindi problema, pero karamihan sa atin ay gusto na makapunta sa A patungong B nang walang abala at masulit ang araw ng ating paglalakbay.
Oo nga at gusto mong libutin ang Palawan: Pambihira ang mga tao, magaganda ang mga lugar, malawak, kaunti ang tao, hindi overdeveloped, at madalas hindi matao.
Kung kapos ka sa oras, inirerekomenda namin na lumipad ka sa isang airport at lumabas sa iba pang airport. Sa unang tingin magastos ito, pero makakatipid ka sa oras na bumiyahe pabalik sa mga kalsadang nadaanan mo na, gayundin ang gastos at enerhiya para doon. Baka umabot pa sa $100 and matitipid mo, dagdag pa na makakatulong sa kalikasan kung umiwas ka sa ekstrang biyahe pahilaga o patimog ng isla.
Ang Aming Mga Rekomendasyon ay:
- 3-4 Araw: El Nido + Binga Beach, pwede ring idagdag at umabot sa Port Barton. Lumipad papasok ng at lumabas mula sa San Vicente airport o vice versa. Tingnan ang Paano Lumipad papunta ng San Vicente Airport
- < 7 araw: Puerto Princesa + Port Barton + Binga Beach + El Nido. Lumipad papasok ng Puerto Princesa at lumabas mula sa El Nido airport o vice versa (gawin ito kung gusto mo pumunta sa underground cave. Kung hindi, lagtawan ang Puerto Princesa at tumuon sa biyahe papunga sa Hilaga)
- > 7 Araw: Puerto Princesa area + Isang lugar bandang Timog (Napsan, Quezon, Rizal, or Balabac) + Port Barton + El Nido + Duli Beach. Ang pagpunta sa bandang Timog ay nangangailangan ng maraming oras para sa biyahe, kung gusto mo ng hindi masyadong abala na iskedyul tumutok sa ilang mga lugar lamang at manatili na lang sa Hilaga ng Puerto Princesa.
- 7-14 Araw: Tulad sa itaas, pero pwedeng magdagdag ng ilang mga lugar sa Timog ng Puerto Princesa at pwede ring pumunta ng Coron. Kapag ganito karami ang oras mo, ang paglipad papasok at palabas ng parehong airport ay pwedeng magawa (Puerto, San Vicente or El Nido) o gawin pa rin ang one-way na pasok at labas. Kapag ganito karami ang oras mo, marami kang mailalaan na oras para sa mga gawin at para sa nakakagiginhawang paglangoy sa beach.
Sa kabuuan, dapat mong tandaan na ang Palawa ay mas malaki sa karamihan sa mga isla sa Pilipias kaya ang oras ng biayhe sa mga lugar ay matagal. Magtatagal nang ilang oras ang biyahe sa Puerto Princesa papunta ng Port Barton, at ilang oras din papunta ng San Vicente/Binga, at ilang oras pa papunta ng El Nido.
Hangga’t maaari ay umiwas ka na bumalik pa sa mga nadaan mo na at bumiyahe lamang sa isang direksyon papunta ng hilaga o timog ng isla.
Heto ang isang magandang balita: Mas maganda na ngayon ang pagmamaneho at biyahe sa buong isla. Maraming mga kalsada na ang ipinapagawa ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi ito dahil sa pag-lawak ng siyudad, ito lang ay mga maaayos na kalsada at highway sa pagitan ng mga bayan. Malaking diperensiya ang resulta nito. Dati ilang oras ang biyahe papunta sa amin lokasyon sa Binga, ngayon ay 45 minuto na lamang ito mula sa San Vicente airport.
Puerto Princesa
Kung ikaw ay lilipad mula sa Puerto Prinsesa, sapat na ang dalawa hanggang tatlong araw para malibot at masulit ang napakagandang lungsod na ito. Mula sa kasaysayan, kultura, lokal na lutuin at tradisyonal na sining, ang Puerto Prinsesa ay isang magandang pambunga at pagpapakilala sa isla. Pwede mo ring gawin ang mga mga last-minute na pamimili rito bago ka pumunta sa mga tahimik at tagong mga lugar sa probinsiya.
Tingnan mo ang Puerto Princesa Underground River sa Sabang, isa sa mga idineklara na New 7 Wonders noong 2012, ito ay mga isang oras na pagmamaneho mula sa city proper. May iba pang mga gawain dito tulad ng mangrove paddleboat tour at pagtuklas sa mga kuweba (speluking). Pwede ka din na magkaroon muna ng palalakad sa gubat bago pumunta sa kuweba kaysa gumamit ng bangka. Ipaalam mo lang sa agency kung saan ka nag-book.
Ang aking personal na paborito ay ang Sabang Waterfalls, ito ay diretso na bumabagsak sa dagat at ang mga lokal na tao rito ay gumawa ng isang maliit na pool para makalublob ka. Ito ay may 30 minuto na paglalakad sa baybayin ng Sabang, sa may kaliwa ng pantalan.
Pagbalik sa bayan, tuklasin ang lokal na lutuin at tradisyonal na sining dito. Subukan ang barefoot restaurant ni Ka Lui, isa isang pista hindi lamang sa iyong panlasa kundi pati na rin sa mga mata dahil ang bawat sulok ng lugar na ito ay napapalamutian ng tradisyonal na sining. Mga pagkaing dagat lamang ang inihahanda sa Ka Lui pero pwede ka rin namang pumunta sa Haim Chicken sa Manalo Street para sa kanilang sikat na inihaw na manok. May tradisyonal na sining din na makikita sa kainan na ito at meron din silang video-montage ng lahat ng tungkol sa Palawan para ikaw ay maging maalam at masabik tungkol sa isla.
Para sa hapunan, pwede kang pumunta sa paborito ng marami, ang Kinabuchs. Dito, pwede mong masubukan na kumain ng isa sa mga exotic na pagkain sa Palawan, ang tamilok (wood worm). Uminom ka na lang ng beer para panulak. Kung beer ang pag-uusapan, hindi ka naman pumunta ng Palawan para sa craft beer pero meron dito. Bumisita ka sa Palaweño Brewery na nakatago sa Manalo Street at subukan ang kanilang beer na inspirado mula sa ibang bansa pero gumamit ng lokal na mga sangkap.
Huwag mo rin kalimutan ang lumang Vietville sa Sta. Lourdes. Nagsilbi itong isang refugee noon giyera. Kahit wala na ang bayan na ito, may restaurant na naghahain dito ng pho at banh mi.
Para sa mga naghahanap ng mga gawin para sa ipapalagay ng isip, pwede ka pumunta sa Bahay Kalipay Raw Food & Yoga para sa mga wellness retreat at mga paglalakbay sa kalikasan. http://bahaykalipay.com/
Ang mga Beach sa Puerto Princesa:
Nagtabon
Kung magtatanong ka sa buong siyudad kung ano ang kanilang mairerekomendang beach para sa mga backpackers, ang sagot nila tiyak ay ang Nagtabon. Ang Nagtabon Beach ay isang baybayin na mahinahon at masigla na puno ng mga dayuhan at lokal na mahilig magpunta sa beach. May mga tent, rentahan ng surfboard, kubo at mga tindahan na nagtitinda ng lokal na beer at alak na makikita sa baybayin. Ito ay matatagpuan 31 kilometro mula sa lungsod, ang dating tagong lugar na ito ay isang perpektong lugar para mag-enjoy sa buhangin, makinig sa mga alon, at lumangoy sa West Philippine Sea, mag-relax at makipagkilala sa mga lokal na mangingisda at iba pang backpackers.
Talaudyong
Ang Talaudyong Beach ay isamg pampubliko at bukas sa lahat na beach na matatagpuan 41km hilagang-kanluran ng Puerto Prinsesa City, at humigit kumulang mga 10 kilometro mula sa Nagtabon Beach. Ito ay isang perpektong pasyalan ng mga lokal kapag weekend o holiday pero kadalasan ito ay walang tao o puro backpackers lang ang makikita kapag regular na araw. Walang signal ng anumang network dito pero mayroon kuryente at mga kubo at tent na marerentahan. May mga maliliit na tindahan rito na mapagbibilihan ng mga kaunting mga pangangailangan pero mas maganda na makuha mo na ang lahat ng iyong mga kailangan sa siyudad o sa Bacungan Intersection. Ito ang hinihinalang susunod na summer hotspot sa lungsod, ito ay may kalmadong cove na at ito ay may kalmado ring pakiramdam kumpara sa mga katabi nitong mga beach. Subukan mo na maglagi doon ng isang gabi — umpisahan mo sa paglubog ng araw at tapusin ito sa isang gabi ng may musika, bonfire, at tanawin ng mga bituin.
Tagkawayan
Ang Tagkawayan ay isang nakatagong baybayin din na maging ang mga lokal na populasyon ay nahihirapan makapunta rito. Ito ay nakatago sa isang rough road na tinatawag na saddle ilang kilometro mula sa Nagtabon, ang 700 metrong haba na beach na ito ay isang mairerekomendang lugar para sa camping at beach hopping. Kung ikukumpara sa mga kalapit na beach tulad ng Nagtabon at Talaudyong, kakaunti ang mga tirahan at mga pasilidad dito. May mga inabandonang mga kubo sa paligid pero mas mainam na dalhin mo ang lahat ng iyong kailangan mula sa siyudad kung gusto mo na mamalagi ng ilang gabi rito.
Kung marami kang oras, pagkain at tubig, at malakas ang loob mo na tuklasin ang mga mas nakatagong beach sa kanlurang baybayin, pwede kang magpatuloy na bagtasin ang Simpocan Road papunta sa Simpocan Proper (kung saan matatagpuan ang Baybay Beach) at Napsan (Napsan Beach) — ang kalsada na ito ay liliko pabalik sa Puerto Princesa City Proper. Pwede ka ring huminto sa mga pampubliko at pribadong mga beach sa daan, magaganda rin ang mga ito tulad ng mga nabanggit nang mga beach, siguraduhin lang na nakapagpaalam ka sa mga nakatirang lokal sa lugar. Ang tabing dagat na ito, ayon sa aming karanasan, ay libre at bukas para sa mga camper at backpackers.
Ang mga Bundok sa Puerto Princesa:
Mt. Magarwak
Ang Bundok na ito ay may taas na mahigit 300 MASL at matatagpuan na mga 15 kilometro sa hilaga ng Puerto Princesa City. Ito ang pinakamagandang opsyon sa iyo para makaakyat at kaunti lamang ang iyong oras. Madalas maraming tao rito kapag weekend kaya mas mabuti na umakyat rito kapag weekday para makita mo ang pagsikat ng araw, ang tanawin ng Honda Bay at mga kalapit na bundok na nakapalibot sa lungsod. Pwede rin na umakyat ng 45 minuto para makita ang paglubog ng araw at mag-overnight camping, pwedeng magkasya ang 2 tent at ilang duyan na tuktok ng bundok nito. Tingnan ang iba pang detalye dito: https://wanderingkarencom.wordpress.com/2017/03/15/travel-cheap-hike-at-magarwak-bacungan-puerto-princesa-city/
Mt. Airy
Ang Mt. Airy ay isang bundok na malapit sa siyudad na maaaring maakyat sa loob ng isang araw. Matatagpuan sa Mt. Magarwak at ng Nagtabon at Talaudyong Beach, sa bundok na ito matatanaw ang Mt. Beaufort (put link) Geological Mountain Range sa timog, Honda Bay sa kaliwa at ang Nagtabon Beach at West Philippine Sea sa kanan. Ang bundok na ito ay may taas na humigit-kumulang 600 metro at may difficulty level na 4/9.
Port Barton
Kung gusto mo na umiwas sa mga lugar na magulo at maraming turista, ang Port Barton ang lugar para sa iyo. Ang Port Barton ay isang maliit na bayan sa tabi ng dagat na may tatlong oras sa hilagang kanluran ng Puerto Princesa. Pwede kang mag-island hopping sa mga malayong isla, mag-kayak sa katabing mga cove, lumangoy kasama ng mga pawikan, at magpunta sa mga talon nito at mamuhay nang tahimik tulad ng isang lokal.
Pagdating sa pagkain, may mga matatagpuan kang mga lugar sa Port Barton tulad ng Reef Cafe para sa kanilang masasarap na burger, ang Mabuti Eat & Chill para sa mga vegetarian na pagkain nito, at ang Gorgonzola para sa pizza. Pagmasdan ang paglubog ng araw habang umiinom ng iyong paboritong inuman sa Tres Tequilas Restobar, makisaya ka sa mga full moon party sa El Dorado, at sumakay ka sa party boat ng Tribal Xperience kung saan kasya ang 40 tao para makumpleto ang iyong karanasan asa Port Barton.
Hindi mahirap makahanap ng lugar na tutuluyan sa Port Barton pero ito ang aming rekomendasyon:
- Pisces Garden Inn:
https://www.facebook.com/Piscesgardentouristinn/ - Tribal Xperience: http://tribalxperience.com/
- Ausan Beach Front Cottages: http://ausanbeachfront.com/
- El Dorado Sunset Cottages: http://eldoradosunsetcottages.palawanshore.com/
- CocoRico Hostel Bar and Restaurant:
https://www.facebook.com/CocoRicoHostelPB/
San Vicente
Madalas itong kaligtaan ng mga biyahero, pero ang San Vicente ay may 14 kilometro ng baybayin, magagandang talon, mayaman na mga bahura at mga buhay-dagat at maging mga endemikong mga hayop. Dahil dito, ang San Vicente ang sinasabing susunod na papatok na lugar sa Palawan.
Maraming mga isla na pwede mong mabisita sa San Vicente, ito rin ang ilan sa mga maaari mong puntahan mula sa Port Barton dahil ang ilang sa mga ito ay kabilang sa maliliit na baryo ng San Vicente.
Saan Pwedeng Tumuloy:
- Nativo D’Kubo, ang aming mabuting kaibigan, they’re super nice and the bungalows are sweet: https://www.facebook.com/nativodkubo01/
Barangay Binga
Dito matatagpuan ang aming pambihirang glamping resort na Binga Beach, kasama sa barangay na ito ang ilang mga magagandang baybayin na hindi pa napupuntahan ng mga turista. Makikita na ngayon ang mga ito sa mapa dahil sa mga bagong buong mga kalsada na nagpadali sa pagpunta ng mga turista.
Ang Binga ay ideyal na lugar para sa mga backpacker dahil ito ay nasa pagitan ng Port Barton at El Nido. Marami sa mga tao ay nagtitiyaga na bumiyahe ng 3-4 na oras sakay ng bus, pero magandang huminto at magpahinga ka muna sa Binga. Bakit kailangan mong magtiis sa isang van?
Ang aming beach ay nasa Lumambong Beach, isang 1.4 kilometrong haba ng dalisay sa puti na beach na walang anumang mga istruktura o tirahan maliban sa aming resort. Ito rin ay nasa paanan ng Mt. Capaoas, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa hilangang Palawan. Ang lugar na ito ay may dalisay na dalampasigan pero mayroon din mga maaakyatan at mga adventure dahil may mga mayabong itong bakawan at gubat sa paligid.
Alamin ang iba pang impormasyon tulad sa Binga Beach sa aming artikulo na Ano at Saan ang Binga Beach.
El Nido
Mula sa isang tahimik na baryo ng mga mangingisda, ang El Nido ngayon ay puno ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Madaling makita na nagsisikap ang El Nido na makasabay sa dami ng turista na nagpupunta rito. Kapag nakita mo na ang mga limestone formation, nakatagong lagoon, mga lugar para sa snorkeling rito, malalaman mo kung bakit nagkakagulo ang mga tao dito.
Ang El Nido ay tumutugon sa kailangan ng lahat kaya hindi mahirap na malaman kung saan mo gusto magpunta. Kung gusto mo ng pagkain, subukan mo ang Tambok’s El Nido para sa lutuing Filipino kung papunta ka sa Lio Beach, ang Altrove ay nagluluto ng mga pagkaing Italyano, nariyan ang Gandhi’s Revenge para sa pagkaing Indian, Fat Choy sa Lio Beach para sa Asian Food, Sauasge with Benefits para sa mga sausage. Subukan din ang Taste El Nido – The Vegan Café PH para sa makukulay nitong mga smoothie bowl, at sa Gusto Gelato para sa panghimagas o desserts.
Ang nasa pangalawang palapag ng Gusto Gelato ay ang Pangolin Bar kung saan pwede kang uminom ng kanilang signature cocktail at ang porsyento ng presyo nito ay napupunta bilang donasyon sa pangangalaga ng mga pangolin, isang hayop na pinaniniwalaang isa sa mga ikinakalakal. Madali rin na magpalipat-lipat sa mga bar sa El Nido. Sigurado na dulo ng gabi, ikaw ay malalasing sa alak at alkohol, at gagapang ka pauwi.
Maliban sa island hopping, may mga destinasyon at mga gawain na ang binubuo sa labas ng town proper ng El Nido kaya maaari kang magrenta ng motorsiklo at puntahan ang mga ito.
Makakaranas ka ng kakaibang pakikipagsapalaran sa Sibaltan mula sa Dive Sibaltan o kaya ay mag-surf ka kasama ng mga lokal na tao sa Duli Beach. Ang surfing season dito ay nagsisimula sa Oktubre hanggang Pebrero. Mag-relax sa Nacpan beach nang may inumin habang pinanonood ang paglubog ng araw. Pwede din na magpunta ka sa mga talon rito — malalaman mo kung bakit ang El Nido ay tunay na nakakamangha.
Gusto ko rin ibahagi ang aking personal na paboritong gawain na nasa hilagang silangan ng El Nido at ito ang Dewil Valley adventure tour. Ang Dewil Valley ay tahanan ng anim na karst caves, at lahat ng ito ay may mga naging pagtuklas na arkeolohikal — tulad ng mga nakitang patunay ng sinaunang pamayanan ng tao 14000 taon ang nakararaan, mga buto ng tigre, palayok, kagamitang bato, at mga patunay ng sinaunang cremation burial sa Timog Silangang Asya.
Wala namang mali na magsama ng kaunting kasaysayan at arkeolohiya sa iyong pamamasyal di ba? Dagdag pa rito, napakaganda ng tanawin sa tuktok ng Ille Karst Tower.
Para sa mga tulugan, maraming mga backpacker hostel sa El Nido pero heto ang aming rekomendasyon:
- Happiness Hostel:
https://www.facebook.com/happinesshostelph/ - Mad Monkey Hostel, Nacpan Beach:
https://www.madmonkeyhostels.com/nacpan/ - Pawikan Hostel:
https://www.pawikanhostel.com/ - SPIN Designer Hostel: http://spinhostel.com/
- Outpost Beach Hostel: https://www.facebook.com/outpostbeachhostel/
Coron
Ito ang tahanan ng Kayangan Lake, ang sinasabi may pinakamalinis na tubig sa Pilipinas. Ang Coron ay mayroong mga bahura at mga labi ng mga barko mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya napakaganda na mag-diving rito. Makakapunta ka ng Coron na nasa isla ng Busuanga sa pamamagitan ng paglipad papunta rito o barko mula sa port ng Maynila, Puerto Princesa, o El Nido.
Kung gusto mo ng kakaibang karanasan, pwede kang sumakay ng barko mula El Nido papunta ng Coron gamit ang isang tradisyonal na sailboat, mula ito sa Tao Expeditions. Magiging makahulugan ang iyong paglalakbay na ito — ang biyaheng ito ay nagpapakita ng pagkakataon para magtagal ka kasama ng kalikasan at makisalamuha sa mga lokal na tao sa lugar at iyong mga kapwa biyahero mula sa iba’t ibang panig ng mundo nang wala istorbo o abala na dala ng maramihang turismo.
Timog Palawan
Napsan
Para sa kakaibang mga tanawin at mga gawain, pwede kang lumayo muna sa nakasanayan at pumunta sa mga bayan sa Timog Palwan. Bisitahin ang kanlurang baybayin ng Napsan, gumising ka nang maaga at panooring ang pagngingisda ng mga pamayanan rito. Tahanan rin ang Napsan sa ilang mga cove at beach at ikaw ay magugulat sa mga alon o surf break dito.
Pwede kang tumuloy sa Kaibigan Soul Camp. Malayo ito sa sibilisasyon, malayo sa signal ng telepono o internet para ikaw ay magkaroon ng isang unplug na karanasan. Mayroon silang indibidwal na bahay kubo na nakalaan para sa iba’t ibang badyet o kagustuhan at may buo at walang putol na tanawin ng dagat.
Quezon
Para sa mga biyahero na mahilig sa arkeolohiya, siguraduhin na bumisita sa Tabon Cave Complex sa Quezon, Palawan, kung saan naroon ang isa sa pinakamatandang patunay ng paninirahan ng tao. Bagaman walang anuman artifact na makikita sa kuweba, maaari mong bisitahin ang museo sa bayan na ito bago ka umalis gamit ang isang bangka.
Ang Quezon ay tinatayang may apat na oras na biyahe sa lupa o kaya ay kalahating oras na biyahe gamit ang bangka mula sa Puerto Princesa. Maaari mong rin bisitahin ang mga katabing mga isla sa kuwebang ito. Pwede ka namang tumuloy sa Villa Esperanza sa may town proper para matanaw ang paglubog ng araw sa likod ng cave complex na ito.
Ang opisina ng turismo sa Quezon, Palawan ay katabi lamang ng terminal ng bus at sila ay matulungin kapag ikaw ay dumating sa kanilang bayan.
Rizal
Kung iniisip mo ang Tau’t Bato o ang mga Taong Nakatira sa Bato — isang grupo na kabilang sa katutubong grupo na Palaw’an. Ang mga taong ito ay nananatiling nakatira sa mga kuweba sa Singnapan Valley sa Rizal, ang susunod na bayan pagkatapos ng Quezon.
Bagaman hindi nakahiwalay sa sibilisasyon, ang pamayanan na ito ay nagpapatuloy sa kanilang tradisyonal na paraan ng pamumuhay. Naipakita na ito sa ilang mga dokumentaryo at may ilang mga grupo na nakatuon sa pagpapanatili ng kanilang kultura — isang bagay na madalas nating makalimuta sa ating panahon.
Dito rin matatagpuan ang Mt. Mantalingahan Protected Landscape, ang pinakamataas na bundok sa Palawan at isang destinasyon ng mga hardcore na mountaineers. Ito ay may taas na 2086 ASL at isang tahanan ng iba’t ibang mga halaman at hayop.
Maaari kang tumuloy sa Palawan Eco-lodge na nasa Malakibay Cove. Sila ay mayroong surf house na puno sa mga kagamitan para sa iba’t ibang water sports — mula sa stand up paddleboard, mga kayak, surf board at mga gamit para sa mag-dive o sa paglalayag. Napakamura ng mga tutuluyan rito. Ang mga bakawan at bahura rito ay hindi rin dapat malimutan kapag ikaw ay tumuloy rito.
Palawan Eco-Lodge Habagat House – https://www.airbnb.com/rooms/5237806
Palawan Eco-Lodge Amihan House – https://www.airbnb.com/rooms/5226181
Balabac
Matatagpuan sa pinakatimog na bahagi ng Palawan, ang lugar na ito ay tila nasa Malaysia kaysa lokal. Ang Balabac ay binubiuo ng 30 mga isla. May kahirapan na makapaglibot sa Balabac kaya mas mabuti na makipag-ugnayan muna sa mga lokal na guide dito dahil marami sa mga isla rito ay may pribado pag-aari.
Ang industriya ng turismo sa lugar na ito ay hindi pa napapaunlad at ito ay malayo sa Puerto Princesa pero ang dalisay nitong mga baybayin ay ikinukumpara sa Maldives. Mayroon ditong mga napakagandang mga sandbar, tanawin ng paglubog ng araw, sariwang pagkaing dagat, at ang hitsura nito na parang sa Malaysia. Ito ang dahilan kung bakit pumupunta ang mga manlalakbay sa malayong lugar na ito. Dapat na maging handa ka sa isang mahaba at nakakapagod na biyahe. Gayumpaman, sulit naman ang lugar na ito para sa mahabang biyahe.
Konklusyon
Marami pa akong maaaring masabi tungkol sa aking tahanan, ang isla ng Palawan, pero gusto ko na hayaan niyo matuklasan pa ang mga ito nang personal at mag-enjoy kayo dito. Cheers! Ingat sa biyahe!