Ano ang Binga Beach? Nasaan ito?

Binga-Beach-Crosshairs-2

Ang Binga Beach ay isang pambihira at bagong boutique resort na may mga upscale glamping at mga nakaka-excite na adventure tours at mga gawain (Sa kasalukuyan ang resort ay dine-develop pa ang resort at magbubukas sa kalagitnaan ng 2020).

Para sa amin ay higit pa ito. Ito ay maliit, nakatago at nasa di kilalang sulok ng Palawan na kahit ang mga Palaweño ay hindi pamilyar dito. Nakakagulat ito dahil napakaganda ng Palawan — ang islang ito ay isa sa pinakamalaki sa Pilipinas at may mahigit 1 milyong tao lamang — malalaman mo na kaya naman pala may mga nakatago pa itong mga lihim.

Ito ang eksaktong lokasyon ng Binga Beach ayon sa Turtler:

Bakit hindi kilala ang Binga?

Mahirap sisihin ang mga turista at mga lokal rito dahil wala silang masyadong alam sa Lumambong Beach. Paano ba naman kasi, kapag nagmaneho ka pababa ng San Vicente ay mayroon agad na 9 o maging 10 beach sa malapit! Ito ay ang mga sumusunod (mula Lumambong hanggang Long Beach): Boding Beach, Ombo Beach, Erawan Beach, Boong Beach, Nagtulay Beach, Alimanguan Beach, Tagpis Beach, BokBok Beach.

Ito ay isang special na zone na itinalaga ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) bilang isang special flagship Tourism Enterprise Zone (TEZ) ng Pilipinas. Ang Lumambong Beach ay nasa pinakahilaga ng 3rd phase na ito. Ang TEZ ay nagbibigay pokus sa mga lugar na ito para mabigyan ng masterplan at mapaunlad bilang isang puntahan ng mga turista. Pwede mo makita ang ang iba pang imporamsyon rito: http://tieza.gov.ph/tez-projects/flagship-tez-project/san-vicente-palawan/

Mga hakbang ng Tourism Enterprise Zone:

Source TIEZA

Linawin natin!

Binga Beach ang pangalan ng aming resort pero ang dalampasigan kung nasaan ang Binga Beach ay sa Lumambong Bay. Magandang pangalan di ba?

Heto ang aerial view ng Lumambong Beach, kung saan nakahighlight ang Binga Beach:

Aerial view mula sa OpenSeaMap.org: http://map.openseamap.org/?zoom=15&lat=10.76896&lon=119.31993&layers=BFTFFFFFFTF0TFFFFFFFFF para makita ang katulad na view i-enable ang ‘Aerial Photo’

Binga for life 🙂

Ang ‘Binga’ ay nagmula sa maliit na barangay kung nasaan matatagpuan ang aming resort at bahagi ito ng bayan ng San Vicente. Ito rin ang pangalan ng maliit na komunidad ng mga magsasaka at mangigisda sa aming paligid. Ang dagat na na nasa tapat ng aming beach ay tinatawag din na Binga Bay ngunit sinasabing ito ay bahagi lamang ng Imuaran Bay. May tinatawag din na Binga Point, isang burol na naghihiwalay sa mga tabing-dagat sa mga katabi nito sa timog. Mga isang kilometro sa ibaba naman ay naroon ang Binga River. Makikita mo ito sa daan mula sa San Vicente at ito ang palatandaan na ikaw ay malapit na.

Makikita mo ang Binga Beach at iba pang mga nabanggit na lugar sa blog na ito:


Ito ang Zoom In na mapa mula sa DENR/NAMRIA: http://www.namria.gov.ph/2852-IIGuinlo.html

Bakit ang isang napakagandang beach tulad ng sa Lumambong at hindi kilala? Ang bayan ng Binga at mayroong populasyon lamang ng 90 pamilya. Noon ay ilang oras ang biyahe papunta sa lugar ng ito. Dahil sa bago at pambirang mga kalyeng nabuo ay nabawasan ang oras ng biyahe sa mga lugar na ito.

Ang diretsong ruta na nagmula sa Puerto Prinsesa sa ibaba ay papunta sa bayan ng Taytay, ang sentro ng kalakalan sa Hilaga, hanggang sa bayan ng El Nido. Dahil rito ay nakaligtaan o nalampasan ang mga bayan na nasa Kanluran.

Ang mapang TPC K-11D ng Palawan mula sa US Defense Mapping Agency noong 1982. Tignan dito:

Ang mga nasabing kalye ay nahihinto sa Silangan, at kailangang pumaikot sa mga kabundukang papunta ng Port Barton at San Vicente. Upang makapunta sa Binga mula sa Timog (kung nasaan ang karamihan ng mga tao), kailangan mo na umikot sa mga ito upang makapunta sa Taytay junction na nasa hilaga.

Dahil dito, ang Binga ay napakatagal mapuntahan. Ang mga bagong daan na nabanggit ay malaking tulong sa mga turista at maging sa lokal ng mangingisda at magsasaka ng Binga.

The best ang Binga Beach!

Para sa mga turista na naghahanap ng lugar na maliban sa El Nido at Port Barton, ang bagong airport sa San Vicente ay nagbibigay daan upang makilala ang mga tabing dagat sa Silangan. Ang Long Beach (na may 14.7 kilometrong haba) ay ilang minuto na lamang mula sa airport samantalang ang Binga Beach ay 45 minuto na lamang.

Ang Bundok Capoas – may taas na isang libong metro!

Bakit mas maganda sa Lumambong at Binga Beach sa iba pang beach sa San Vicente? Una ay ang nandoon ang Bundok Capoas, ang pinakamataas na bundok sa Hilangang Palawan, ito ay may taas na 1012 metro (3313 talampakan). Ito ang malaking bundok na makikita kung ikaw ay nasa Long Beach. Nasa paanan nito ang Lumambong Beach na may habang 1.5 kilometro. Dahil dito, may malamig na hangin na umiihip sa aming beach at sa mga gulod nito at dumadaloy ang sariwang tubig na nagpapa-berde sa kabuuan ng Binga Bay.

Ang Bundok Capoas mula sa Long Beach, San Vicente:

Photo credit David Le Smith

Isang makasaysayang mapa ng Capoas Peninsula (nakabaybay bilang Copoas):

Mula sa: US Army Corps of Engineers, 1961: http://legacy.lib.utexas.edu/maps/ams/philippines/txu-oclc-6539351-nc50-8-450.jpg

Ang Long Beach ay isang mababa at mabuhangin lamang na beach at ang Binga Beach ay napapalibutan ng kakaibang topograpiya. Ang aming resort ay may mayabong at kakaibang mga bakawan na may lubid na tulay na nagdudugtong sa mga tirahan na nasa tabing dagat. Ang bawat bahagi ng aming resort ay may damuhang malapit. Meron ding mga dragon bamboo, mga puno ng niyog, mga puno ng kasoy at iba pa.

Ang anino ng Bundok Capoas at nakakabighani at malapit lang ito sa aming beach. Minsan ay napapalibutan din ito ng mga ulap kaya madalang mo na makita ang kabuuan ng bundok.

Ang Bundok Capoas mula sa Binga Beach:

Litrato mula kay Stephen Schroeder

Ang mapuputing buhangin ng Binga Beach

Siyempre kailangan nating malaman ang beach dahil ito ang pinunta natin rito. Ang buhangin rito ay puti at pino tulad ng mga lugar sa Palawan. Malamig ito kahit sa pinakamainit na araw. Gustong-gusto namin ang Lumambong dahil isa itong beach na may malawak at patag na damuhan. Nagbibigay ito ng magandang tanawin sa tabing-dagat at sa mga kalapit na lugar. Makikita rin sa lugar na mga puno ng niyog na nagbibigay ng lilim sa mga bisita. Tila ito mga sumasayaw na higante dahil sa patuloy na ihip ng hangin mula sa dagat.

Ang puting buhangin ng Lumambong/Binga Beach:

Ang Bundok Capoas na nakatago sa mga ulap:

Litrato mula kay Stephen Schroeder

Kalmado at makakarelax na tubig

Kung sakaling ang dagat ay malakas sa paligid ng bundok at mga puno ng niyog, ito ay nababalanse ng ilang mga bagay: Una, ang natural na hugis ng Binga Bay. Pangalawa, ang maliit na burol sa tabing dagat. At panghuli, ang banayad at walang anumang bato sa aming beach. Hindi man ito bagay sa surfing, pero ang kalmadong mga alon ay bagay sa sailboat, kayak at kitesurf, at ideyal para sa paglangoy ng mga bata. Gayumpaman, napakadali na lumangoy lang dito dahil ang tubig ay tulad ng isang swimming pool — napakalinaw at masarap sa pakiramdam.

Kalmadong tubig sa Binga Bay:

Litrato mula kay Stephen Schroeder

Napakagandang dapithapon sa Emergency Point

Kailangan nating huminto sa Kanluran kung saan lagi kang makakakita ng napakagandang mga dapithapon. Malinaw ang papawirin dito. Depende sa buwan ng taon, makikita mo ang araw sa kaliwa o kanan ng Isla Rangod, sa likod ng tinatawag naming Emergency Point. Pinag-aaralan pa namin ang kasaysayan kung bakit ganito ang pangalan ng lugar na ito.

Mapa ng US Army sa Mt. Capoas at sa Emergency Point, na makikita sa Timog-Kanlurang dulo ng peninsula na ito:


Source: http://legacy.lib.utexas.edu/maps/ams/palawan/txu-pclmaps-oclc-6563379-emergency-point-ne.jpg

Dapithapon sa Binga Beach:

Litrato mula kay Stephen Schroeder

Ang Posisyon ng Binga Beach at Topograpiya nito

Ito ang aming pambirang beach. Bumalik tayo rito matapos ang mahabang araw na tayo ay nasa labas. Dito tayo sa mataas na bahagi ng resort para makita aito sa bawat direksyon. Dumaan ka sa sa tulay na lubid para makatawid at makita ang mga bakawan at patungo sa mga nakatagong niyog at hardin ng Bermuda grass. Sa lilim at tiwasay na sulok na ito ay makiktia ang mga aming glamping platforms na gawa sa kawayan. Hiwalay pa ito sa dagat ngunit makikita pa rin ang dagat. Dito kami madalas na nakatigil upang makaiwas sa araw, makapagpahinga at mag-enjoy ulit.

Ang mga bakawan sa Binga Beach na papunta sa mga puno ng niyog:

Photo credit Phil Demack

Isang Malayo at Payapang Bayan

Ang Binga ay malayo sa mga koneksyon na tubig o kuryente. Isang challenge ito sa amin noong umpisa ngunit isang tiyansa din ito na gawin ang mga bagay sa makakalikasan o green na paraan. Kami ay nag-ooperate gamit ang wind at solar power, makabago ang aming poso negro at kami ay may sariling suplay ng sariwang tubig. dahil dito kami ay may mababang environmental impact sa lugar.

Nakatutuwa para sa amin ang kasaysayang panlipunan at pag-uugali ng mga taga-Binga. Sila ay mabait, maalaga, magiliw. Ang komunidad na ito ay mabilis na tumanggap ng mga bisita nang buong puso.

Ang kasaysayan ng Binga ay nakakahanga. Ang lugar na ito ay nasa hilagang bahagi ng Lumambong Beach. Itinatag ito ng pamilya Distal, mga naunang mga nanirahan sa lugar na ito na naunang dumating sa El Nido noong 1960. Nang mamatay ang mga magulang ng mga kasalukuyang henerasyon ngayon, hinati nila ang kanilang lupain. Nabili naman ang lupa mula sa mga anak ng pamilya Distal, at kami ay tinanggap rito bilang kanilang kapamilya.

En fin

Inaasahan namin kayong makita ang Binga Beach kung saan madidiskubre niyo ang isang maliit at lihim na beach na pakiramdam mo ay nasa bahay ka lang.

Back to top