Isang malaking misteryo sa akin habang binubio ang Binga Beach Resort — Bakit parang may kulang pa rin sa mga maaaring tuluyan sa Palawan?
Inaabot kami nang matagal na panahon sa pagbuo ng aming resort. Una, nahaharap kami sa hamon na magbuo sa isang malayo at mahirap na punatahang lokasyon (pero ngayon mas madali na ito dahil sa mga bagong mga kalye at airport) at ngayon naabala pa kami dahil sa coronavorus. Sa lahat ng panahon na kami ay tumuloy na sa iba’t ibang mga hotel, hostel, glamping resort, nag-camping sa beach, natulog sa bangka. Lahat ng maisip mo, nagawa na namin iyon.
Ang naisip namin ay mahirap na makahanap ng sulit na lugar, mga karanasan mapapa-wow ka talaga nang hindi gumagastos nang maraming pera. Bakit? Sa tingin ko ay dahil hanggang ngayon ang malaking bahagi ng Palawan ay napakalayo kaya ang gastos sa pagpapatayo ng mga tutuluyan na nakaayon sa pamantayan sa mundo ay napakamahal kaya ang mga hotel ay naniningil din nang mataas para mabawi ang kanilang puhunan. Ang imprastraktura para sa turismo ay hindi pa matagal rito kaya ang lahat ay nagawa pa lamang nang unang beses at kailangan na maulit pa.
Sa kabila ng lahat, may ilang mga natatanging lugar na kung saan makukuha mo ang isang napakagandang serbisyo, magandang kuwarto, magandang serbisyo, at magandang presyo.
Ang mga sumusunod ang aming mga personal na paborito sa bawat siyudad, simula sa Puerto Prinsesa at papunta sa norte. Pupunta ka sa mga siyudad na ito? Abangan. Kami ay gagawa pa ng marami pang kumpletong mga gabay para sa bawat isang destinasyon.
Puerto Princesa
O , baka gusto mong tumuloy sa lugar ng kaibigan naming si Steve. Hindi ito kabilang sa lahat ng mga nirereklamo o dinadaing namin sa itaas. Isa itong nakakahangang AirBnB na ang presyo ay mga $60 isang gabi. Ikaw ay titira sa isang malaki at hugis-hexagon na maaliwaslas na bahay (open air). Ito ay may malawak na deck platform at mga patio at mga nakaukit na kahoy sa buong paligid. Mapupuntahan iyong mula sa isang kahoy na tulay na may nakapalid na puso ng kape. Nasa likod ito ng kanyang sarili bahay na may pool at outdoor deck. Para kang nasa gubat sa Puerto Princesa na malayo at nasa ibang mundo.
Na-book na ba iyon? Dito ka tumuloy kung ikaw ay nasa Puerto Prinsesa:

Ang Cleon Villa ay isang pangarap na proyekto ng may-ari na si Rain na binuo nang ilang taon. Ang kanyang pananaw ay makikita sa pagiging natatangi nito. Ang bawat ‘kuwarto’ ay isang hiwalay na villa na nakalutang sa isang lawa na sumasakop sa buong kahabaan ng pag-aari niya. Ang bawat villa ay may sariling patio ay malawak na espasyo sa loob. Napakasarap ng mga pagkain na inihahain sa nakalilim na outdoor patio. Pakiramdam mo na nasa isa kang exotic na lugar kahit alam mong nasa siyudad ka pa rin.

Ang isa pang panalong tuluyan sa Puerto ay ang Guni Guni Hostel na pinamamahalaan ng Floral Island Private Resort na makikita ang imporamsyon ibaba ng arikulo na ito.
Meron kang flight kinabukasan? Ang pinakamagandang tuluyan na malapit sa airport para makapagpahinga ay sa Acacia Tree Garden Hostel. Ito ang isa sa pinakapaborito naming lugar. Malinis ang mga CR at magagaling ang mga staff. Maganda ang pool rito, may malawak at malilim na lounge area at ang hotel ay malayo sa ingay at gulo ng Puerto Princesa.
Port Barton
Kapag nasa Port Barton kami, maaasahan namin ang magandang serbisyo, masarap na pagkain, at ang malalaki at malilinis na kuwarto sa Hotel Oasis. Ang lugar na ito ay ilang kilometro lamang ang layo sa dagat (hindi naman talaga ito problema dahil ang mga matutuluyan rito ay nakaharap sa dagat). Ito ay isang kaaya-ayang pahingahan sa Port Barton. Marami na kaming mga tinuluyan na mga sira-sira o lumang mga hotel sa Port Barton na napakapangit talaga.
Para sa mga astig at cool: Ang lugar tinatawag na Lunazul ay pag-aari ng isang Espanyol. Puti ang lugar na ito at may masarap na almusal at hot water.
San Vicente – Long Beach
May bagong airport sa San Vicente pero wala pang masyadong mga matutuluyan.
Para sa mahusay na serbisyo sa sulit na presyo, pumunta kayo sa lugar ng aming kaibigan na si TonTon na pinangalanang Nativo d’Kubo. Mayroon napakagandang swimming pool na okay nang kapalit dahil hindi ito malapit sa dagat. Maaari kang makapunta sa dagat mula sa maiksing biyahe. Ang mga kuwarto rito ay mga pribado mga bungalow na gawa sa kawayan na maayos at maginahawa.
Kapag ikaw ay nasa San Vicente, ang pinakamasarap na pagkaing Italian ay sa Marina Terrace, may mga kuwarto rin na matutuluyan rito na may napakalamig na aircon.
Alimanguan
Malapit ka na halos sa Binga, bakit ka pa huminto rito? Hindi masyadong maganda ang dagat rito at… Hayaan mo nga… Ang mga tao sa Victoria’s Beach House ay napakagaling at astig ang dating ng lugar rito, tapos malapit ka pa sa dagat. Narito ang gitara ng isa sa mga partner namin sa Binga Beach Resort nang mahigit isang taon na para magamit niya ito minsan kapag bumibisita siya. Minsan pwede ka rin mag-surf dito. Ang may-ari rito ay mabait at palakaibigan.
Barangay Binga

Alam mo ba ang pinakaastig na bagong resort sa buong mundo? Siyempre yung lugar namin, ang Binga Beach Resort. Bukas na ba kami? Hindi ngayon Hunyo 2020 pero abang ka lang palagi. Bakit kami astig? May mga malalaking glamping cabin rito na may exotic na hardwood na sahig, malawak na patio, bubong na gawa sa cogon, malawak na lugar sa pagitan mga unit at nakaharap sa isang napakagandang puting buhangin na dalampasigan. Marami ritong mga activities na maaari mong gawin, masarap ang pagkain, at walang ibang turista sa paligid. Tila ito isang pribadong paraiso sa pagitan ng Port Barton at El Nido… Tingnan mo ang aming artikulo na Ano ang Binga Beach? Nasaan ito? para magkaroon ka ng mas magandang ideya.
El Nido
Maramihang turismo. Maraming tao. Medyo magulo. Baka mas kaunti na ngayong tapos na ang COVID kaya pwede mong subukan. Sulit naman ang mga makikita mo sa mga dagat rito, siyempre. Pwede kang kumuha ng mga scuba trip o scuba lesson.
Pero ang mga hotel rito ay nakakadismaya. Una, kung gusto mo ng mga magihawang pasilidad na pang-kompanya nariyan ang Lio Beach complex na mayroong 6 na hotel, at ang pinakapaborito namin ay ang Casa Kalaw. Oo, kailangan mong bumiyahe ng isang oras para makapunta rito. At minsan may mga singil sila at mga pakulo sa babayaran mo sa iyong kuwarto (biro lang… baka lang… sana naman hindi)
Mayroon dito malaki at malinis na lugar ng dagat na pwede para sa mga bata. May ilang magagandang mga restawran at mga bar. May mga swimming pool sa mga hotel. Mararamdaman mong ligtas ka at lahat ay maaayos kaya pwedeng sulit na iyon sa matapos na mahirapan ka sa pagpunta ng El Nido (at hindi ka pumunta sa Binga Beach — ano ba kasi ang iniisip mo? Grabe naman.)
Kung hindi pang-corporate, ang pinakasikat ngayon, ay ang Spin Designer Hostel. Maganda ang pagkakaayos ng lugar. Maganda ang mga shared at maliliit na kuwarto na maaayos para sa lahat. May ilang blocks ang layo nito mula sa mataong puerto at dagat kaya maganda ito na malayo sa gulo kahit saglit.
Nacpan Beach
Kung bata-bata ka pa at kaya mong matulog sa isang papag kasama ang ibang tao sa murang halaga at para malapit ka sa mga bar at sa dagat, pumunta ka sa Mad Monkey Hostel, sulit ang pakikipagsapalaran na makapunta sa dagat rito na para bang malayo at sobrang astig. Nakakahanga at sulit na bumisita sa Nacpan.
Duli Secret Surf Beach

Nag-aalangan kami na ibahagi ito pero gustong-gusto namin ang mga may-ari rito at gusto rin namin na magtagumpay sila, kaya bahala na, ang Duli Beach Resort. Simple ang mga itinayong matutuluyan rito sa isa sa pinakamagandang dalampasigan para sa pag-surfing sa Hilagang Palawan, na nakahara sa isang malaking bangin para sa isang exotic na pakiramdam. Pwedeng mag-renta ng mga surfboard dito at pwede rin mag-aral. Astig din ang maliit na cafe na malapit sa dalampasigan (oo na, naiingit kami, ang ganda ng lugar na ito. Wow.)
Honeymoon? Nanalo sa Lotto?
Hindi mo naman sinabi na hindi problema ang pera! Kung ganoon na nga e di doon na tayo sa pinakabongga — may mga pribadong isla na malapit sa paligid ng Isla ng Palawan. Tingnan mo ang mga nakakahangang resort ng amin mga kaibigan na nakadetalye sa aming artikulo na: Ang Pinakamahal at Pinakamagandang Pribadong Isla sa Palawan.

Para magkaroon ka ng ideya, nariyan ang Floral Island Resort at Brother Island. Nakakahanga at walang katulad ang mga mararanasan rito.
Saan pa?
May iba ka pa bang lugar na gusto mong malaman? Nalibot na namin ang buong isla kaya kung may mga kailangan ka ay kontakin mo lang kami at tutukungan ka namin. Ingat sa biyahe!